Thursday, July 9, 2009

Tanong ko, Sagot ko



Dear Anthony,

Masugid po akong taga-basa at taga-sunod ng iyong blog. Kahit alam ko na nagmamagaling ka lang at nagmamatalino sa mga ginagawa mong post dito, eh pinili kita na hingan ng pera tulong at sagot sa katanungan kong ito. Hayaan nyo po sana akong ibahagi ko ito sa napaka-humble mong blog. Ang tanong ko po ay ganire...

Ako po ay simpleng tao lang. At may nagugustuhan po akong isang babae. Babae na parang ang hirap abutin. Napakaganda nya at masayahin. May pinag-aralan at may maayos na trabaho. Mukhang suplada pero napakabait kong sya'y makakasama mo. Mabuting kaibigan at napaka-swit. Parang napaka-perpekto na nyang babae para sa akin. Ano po ang aking gagawin? Gusto ko syang ligawan at hindi ko kamukha si Jun Pyo? Malayong malayo ang aming mga estado sa buhay. At hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral sa ngayon at wala pa ring matatag na trabaho. Wala po akong maipagmamalaki sa kanya kundi ang ka-cutetan ko lang at pagiging mabait. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ng inyong matalinong utak sa akin.




Umaasa sa matalinong sagot,
Anthony


PS: baka po puwede na bigyan nyo rin po ako ng tips kung ano ang mga dapat kong gawin para makadagit ng magandang syota. :)



********


Dear Anthony,

Salamat naman at napagtitiisan mong basahin ang mga pinopost ko dito sa blog kong ito. Natutuwa ang mga laman-loob ko sa tuwing nakakabasa ng mga tulad ng ganito na humahanga sa aking mga gawa, at nakapagbibigay ako ng insiprasyon sa ibang tao na nawawala sa tamang landas. Dahil dyan ay nanalo ka ng prepaid load, worth P300! Pasaload mo muna ako sa number ko para ma-claim ang iyong premyo. O kaya alltext 20, pwede na yon.

Magpunta tayo sa iyong ikinukunsulta sa mataba kong utak. Nabanggit mong may napupusuan kang isang dalaginding at hindi mo alam ang gagawin dahil siya ay diyosa at ikaw ay isang maralita at isang hampas lupa. Mahirap nga iyan, bukod sa wala ka talagang pag-asa tsong, eh masasaktan ka lang ng bonggang bongga. Subukan mong sumulat sa ibang blogger na lang at baka matulungan ka nila kesa sa akin. Mas may alam sila pagdating sa ganitong problema.

Pero kung ako ang tatanungin, aba! bakit hindi mo subukan tsong! Ligawan mo sya. Wala namang mawawala kahit hindi mo kamukha si Jun Pyo ng BOF. Kahit tanging ka-cutetan mo lang at kabaitan mo lang ang maipagmamalaki mo sa kanya, eh sapat na iyon na sandata para sumugod sa labanan. Iba nga dyan eh, ampanget panget ng itsura pero tignan mo ang syota, palong palo! Yan din ang hindi ko maintindihan ngayon eh, ang ganda ganda ng babae tapos pag tumingin ka na sa bf nya, mas gwapo pa ang aso. Marahil magaling magpatawa yung lalake kaya sinagot. Pero tsong, maputol ko muna ang pag-iimagine mo sa mga sinabi ko, mas maige siguro kung magsikap ka muna sa buhay. Hindi ko sinasabing tamad ka o patambay-tambay lang sa kanto, pero ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka pa natatapos sa iyong pag-aaral ngayon at hindi rin ganun katatag ang pinapasukan mong trabaho. Oo nga't may maipagmamalaki kang ka-cutetan at kabaitan sa sarili mo, pero mas maganda siguro kung may diploma ka at payslip o kaya naman ay bank account na isasampal sa mga magulang ng aasawahin mo. Tiyak na hindi ka aawayin ng magiging biyenan mo kung nakikita nila na ok at nagbubuhay reyna ang anak nila sa iyo. Kung gusto mo naman, itanan mo na sya kaagad! Malawak ang EDSA. Pwedeng pwede kayo dun. Sa dami nyo dun, pwede na kayong bumuo ng isang asosasyon. Malay natin, makita kita isang araw na kumakatok sa bintana ng kotse ko. At mag-eeleksyon na, darami na naman ang tarpaulin sa kalsada at pwede nyo itong nakawin para gawing higaan. Ganun lang kasimple, pero kung may pangarap ka sa buhay, at gusto mong magising sa umaga na may limpak-limpak na pera sa kama mo, eh tsong, kumadyot kumayod ka ng matindi. Hindi rin naman yan para lang sa sarili mo, o sa pagtulong mo sa mga magulang na naghirap na magpalaki sa iyo, kundi para rin sa pamilya na bubuuin mo. Ayaw mo rin naman silang makita na pumipila sa mga libreng feeding program ng gobyerno para lang may makain ang mga anak mo.

Ukol naman sa request mo na mga tips kung ano ang mga dapat gawin para makadagit ng magandang syota, anak ng teteng naman oh! Sa akin ka pa nagtanong, eh wala rin akong syota ngayon! Dun ka magtanong sa mga D.O.M. na hindi nawawalan ng pinapasukan... Pero, may ilang mga tips ako na ibabahagi sa iyo, at sa iyo lang, upang magkaroon ka ng syota. Huwag ka nang umasam pa ng maganda. Huwag ka na mamili.

Ano ang Kartada? - sukatan ng itsura ng isang babae/lalake. Nasusukat ito sa pagtantya ng iyong pagmumukha mula 1-10, kung saan ang 10 ang pinakamataas, ibig sabihin, sila ang mga gwapo at pinaka-imposibleng syotain na nilalang.

(Kung babae ang example natin...)

Kartada 5-pababa: Mga patapon na babae/lalake. Madalas makita sa mga biglang liko at sinehan sa Cubao.

Kartada 6: Kung tawagin ay "pang-tropa lang". Sila ang mga babae na madalas makihalubilo sa mga lakad, inuman, at kung anu ano pang gimik ng barkada. Kung babae, maangas lang kung sumagot, umaapir at nag-iipit ng bente-singko sa tenga. Payag na sila sa isang balot na pan de coco at isang litro na coke na meryenda. Mas menos gastos.

Kartada 7: Ang pang-wasakan. Sila ay nakikihalubilo rin sa inuman ngunit nakakimi at tahimik. Hindi ganun kagarapal at kaangas kumilos gaya ng kartada 6. Pinipiling syotain ng iilan dahil simple lang at hindi "high maintenance", kumbaga ok lang kay girlie ang kahit saan, basta kasama ka nya.

Kartada 8: Ang mga nag-aaral sa Merriam College at mga kolehiyala. Naka-make-up na hindi makakapal at may hawak na Starbucks coffee sa tuwing pumapasok. Maibibilang din ang mga office girls at call center agents na nag-eenglishan pati sa MRT (aurg!). Msyadong high maintenance ang mga ito. Ibayong pagsusumikap at gastos ang haharapin para mapasagot. Hindi uso sa kanila ang sumasakay sa jeep. Taxi ang katapat nila.

Kartada 9: Ito ang mga dinadala na sa harap ng dambana ng simbahan at pinakakasalan. Gagawin ang lahat para lang mapasagot ang mga ito. Malapit na sa pagiging perpektong babae. Hindi niloloko at pinagsisilbihan ng tapat.

Kartada 10: Ang imposibleng babae. Perpekto sa lahat at lubhang napakaganda. Walang ganun. Kaya kung ikaw ay kartada 10, niloloko mo lang ang sarili mo. Nagmamaganda ka.


Una, lower your standards sa babae. Tumingin ka sa salamin at makikita mo tiyak ang iyong sarili. I-rate mo ang iyong pagmumukha mula 1-10, kung saan 10 ang pinakamataas. Ngayon, kung nalaman mo na kung ano ang kartada mo, yun din ang magiging batayan mo sa pagpili ng syosyotain mo. Huwag ka nang umasam ng kartada 10 na babae kung ang kartada mo lang ay 7, bukod sa gagastos ka lang ng maraming pera sa panliligaw rito, wala ka pang kasiguraduhan na sasagutin ka dahil hindi ka nga ganun kagwapuhan. Pumili ng katulad ng iyong level ng kartada. Sa ganitong paraan, nakikita ng mga tao na bagay na bagay nga kayo at kung sakaling mabasted ka man ay hindi ganun kasakit, lalo sa bulsa.

Pangalawa, don't be yourself. Sa panliligaw, huwag kang maging kung ano ka. Syempre, kung madalas kang mangulangot, eh ipapakita mo ba na ganito ang ugali mo sa taong nililigawan mo? Magpanggap! Ipakita na napaka-swit mong tao, na napaka-maalalahanin mo. Iparamdam sa kanya na sya lang ang nag-iisa sa puso mo kahit marami silang nililigawan mo. Magbuhos ng effort kahit pakunwari lang. Mag-isip din ng mga nakakakilig na gimik kahit hindi mo talaga gawain ang ganun. Mapapansin ng nililigawan na sinsero ka sa kanya at mapapasagot mo sya sa mga pagpapakitang-tao mo.

At ikatlo, less talk, less fight. Ito ay pagkatapos na maging kayo ng nililigawan mong girlalu. Para mapatagal ang relasyon, iwasan ang pag-aawayan. Common sense na lang at madali naman intindihin ang pangatlong kundisyon. Maniwala ka, epektib to!



Ayan, sana ay natulungan kita at nabigyan ng kasagutan ang iyong tanong. Narinig ko lang sa radyo ang iba dyan at hindi nanggaling mismo sa akin ang ideya. Sa susunod ay huwag ka nang magtatanong kung alam mo naman ang sagot sa tinatanong mo. Nakaka-abala ka sa akin. Pero tsong, seryoso man ako o hindi, tapusin mo pa rin ang pag-aaral mo. Yan lang ang maipagmamalaki mo sa mga magulang mo at pati na rin sa sarili mo. Malay mo, maging katulad kita, na matalinong blogger, at nagpapayo rin na tulad nito. Ayaw mo ba nun?


16 KOMENTO:

Drake said...

Ako rin magpapayo

Anthony, ganito ang gawin mo! Kung tipong masyadong syang perpekto para sa iyo at hindi mo sya pwedeng maging GF. Abangan mo sya sa kanyang bahay at sabuyan mo ng asido. Para naman di ka mailab sa ganda. Ngayon kung di mo kaya yun pinapagawa ko, humanap ka ng baklang kamukha nya, sing ganda pero hindi sing mahal (parang surf)at magespadahan kayo.

Ngayon kung hindi mo kaya yang pinapagawa ko na yan. Kunin mo yung blade sa may aparador! Pero kung di mo pa rin kaya itong tatlo na ito. Eh tanggapin mo na hindi sya para sa iyo, saka isipin na hindi sya perpek, bakit?kasi mabaho din ang tae nya, at nagkakaroon din sya ng kulangot sa ilong.

Sana makatulong

ingat
Drake

superjaid said...

teka an0ng kartada kaya ako?wahaha Ü halo halo ung ata ako,anyways..mukhang medyo mababa ang self esteem ng sumulat sayo,kaya ang masasabi ko ay kahit gaano kaganda ang isang babae kung maganda ang intensyon mo at sinsero ang manliligaw nya at nakikita nya un,walang pakialam yun kahit kartada syete o sais lang ang lebel nung lalaki,kasi para sa aming mga babae nasa personalidad talaga yan,bonus na lang kapag gwapo ang lalaki,pero kahit gaano ka kagwapo,kung ugaling kanto at wala kang modo,eh di ka pa rin sasagutin,mga babaeng magaganda nga pero kaladkarin lang ang pumipili sa mga ganun lalaki kaya wag mawalan ng pagasa,kumilos muna tsaka sumuko kapag nadapa na talaga..^__^

kheed said...

haha naaliw ako dun, magaling magpayo yung blogger na yun uh. sino ba yun? meron lang akong gustong itanong sa kanya..

chennn said...

ayos ah.. hanep! panalo lalu na ung "natutuwa ang mga laman-loob ko" hahaha! wumiwink ung mga intestine? hehehe ayos!

anu english ng kartada? sa siete cguro ako.. ^_^

kasama ka sa iilang blogger na natama ang "chennn" sa blog roll nila, hehe, aadd din kita! apir! :D

HARI NG SABLAY said...

hahaha astig to pre,panalo...prang ako din yung humihingi ng advice tanging kacute-tan lang meron ako,hahaha

ako din nppansin ko sa mgsyota, ang gnda ng babae tas pgtingin sa lalake mshoshock ka, ganun nga ata tlga... ang mga pangit para sa mga gwapo at mgnda,para daw balanse ang mundo,lols

natawa tlga ako dun sa kartada-8, pati sa MRT ng-iinglisan,hahaha

PABLONG PABLING said...

madaming babae kaygaganda pero ang bf hukluban. . . medyo disagree ako sa kartada 1. medyo lang naman. . hindi nangangahulugan na pag nasa 5 ka lang eh dapat nasa 5 lang din ang magiging gf mo.


haha. dream big kapamilya

Anthony said...

@paps: pwede rin paps, san kartada 1? yung 5 pababa? nasa sa tao yun kasi ang iba mas pinipili yung mas mababa pa sa kanila, pero sa mga may matataas na self esteem na tulad ko, at mo, dream big tayo kapamilya hehe

@hari ng sablay: naku kung makita mo lang sila, nag-eenglishan pa sa MRT, umagang umaga nakakasabay ko, patay malisya lang ako, pero deep inside... hehe tanging kakyutan lang tlga? pero napansin mo rin? at marami rin pala ang nakakapuna hindi lang ako... balanse ng mundo, ganun ata tlaga, para daw maganda ang magiging anak, haha

Anthony said...

@ate chennn: naku salamat at napadaan ka sa aking munting bahay, salamat salamat po. english ng kartada? uhmm, google ko muna, naku hindi ka lang kartada 7, bka siguro nasa 8-9 ka po :D

@kheed: ano bang itatanong mo? me bayad ang tanong! :D

Anthony said...

@drake; di kaya makulong ako kung sabuyan ko ng asido yun? ahehe pero salamat sa payo, dahil dyan, hindi ko susundin yan :D salamt po sa pagcomment....

@superjaid: (upper cases lahat) NAKU SANA LAHAT NG BABAE AY TULAD NG PANANAW MO! EH ANG ILAN MAHALAGA ANG ITSURA AT ANG NILALAMAN NG WALLET, LALOT RECESSION NGAYON ABA HEHE MABUHAY

Anthony said...

napapansin ko lang pero hindi po lahat ah, siguro ganun nga lang talaga ang balanse ng mundo, isa ay maganda at ang isa ay panget ;D

superjaid said...

hehe naka-allcaps talaga lahat,nagulat naman ako dun..Ü pero tama ka marami na nga ngayon na wallet ang tinitingnan,katwiran nila sa hirap ng buhay ngayon kelangang maging praktikal..

share ko lang tong naalala kong isang forwarded message na nareceived ko dati..

kapag maganda at gwapo ang magsyota,match made in heaven
kapag maganda at pangit ang lalaki,magaling dumiskarte
kapag pangit ang babae at gwapo ang lalaki,true love
pero kapag pareho silang pangit,NO CHOICE!hahaha Ü

Anthony said...

@jaid, hanep naman yung NO CHOICE na yun, anu yun parang nagkasubuan na lang? tipong wala ng mapagpilian? haha

Anonymous said...

wla akong masabi...bilib na talga ako sau...hahhaha...san mu ba nakukuha mga pingsasabi moh???hehehheh..karatada 6 lang ako dito wag akong mgarap ng kartada 10?/hahhaha..anu ba yan..ang lalim...hahahha BILIB...................
mhadz...
sa problema moh?????
hahahha
malay ko sau di moh namn tinatanggap payo ko...bahala ka na sa buhay moh!!1
hehhehe
..tumawa ko ng 10beses dito.....dahil ang kyut........

Anthony said...

@mhadz: ikaw pala yan, buti at napadaan ka dito, ano ok ba ang lugar ko dito? :) anong di tinatanggap ang payo mo, tinatanggap ko naman ahh

Anonymous said...

talaga???anu sa mga un????
mhadz.......xempre..namn..madameng magandang mababasa dito

Anthony said...

@mhadz: nambola pa ito

Post a Comment