• HOME
  • Sino si Anthony?
  • E-mail me!
    • VISITORS!

Friday, July 23, 2010

Nakasaksi ako ng isang Krimen

Headline: ESTUDYANTE, NAAGAWAN NG CELLPHONE!!

Isang sosyalerang estudyante ang umiiyak na hindi malaman ang gagawin sa pagkakanakaw ng kanyang pinakamamahal na telepono habang nakasakay sa isang pampasaherong jeepney. Ang estudyanteng ito ay positibo sa sakit na "kayabangan" kaya iyan ang napala niya sa pagbabandera ng kanyang mamahaling cellphone sa bintana ng sinasakyang nakahintong jeepney sa isang matao at pampublikong lugar! Excuse me po, buti nga sa'yo!

Habang papauwi, umagaw ng pansin sa akin ang kilos ng estudyanteng ito. Hindi mapakali, panay ang bunot-suksok ng kanyang cellphone sa lalagyan nito. Magtetext ng ilang pindot at itatago muli. Makalipas ang ilang segundo ay kukunin muli at ipapamukha sa aming mga kasabay niyang pasahero sa jeep na wala kaming ganun uri ng telepono. Manaka-naka'y itatapat sa tenga nya na animo'y may tinatawagan, o minsan at pumipindot-pindot lang. Pipindot uli sya at paulit-ulit ang mga ganun eksena. Natuwa ako, at sa tuwa ko ay naisip kong i-feature siya dito sa aking munting blog. Ang babaeng ito na napakayabang sa kanyang cellphone. Damang dama ko ang aura ng kanyang pagmamalaki at pagiging proud sa kanyang telepono na hindi ko alam kung anong uri ito o unit.

Pero hindi ko namang akalain na tutuparin ni Lord ang aking pinagdarasal na sana ay ma-snatch ang hawak niyang phone. Hindi talaga.

Mabilis ang lahat ng pangyayari. Isang tao ang sing-bilis ng hangin ang mabilis ring umagaw sa kanyang telepono at mabilis rin nabalot ng katahimikan ang ilang segundo ang paligid. Nagitla at tulala ang lahat, pati ako ay nabigla at hindi maka-react. Mabilis na bumaba sa jeep ang estudyanteng umiiyak, balak na habulin ang taong kumuha ng kanyang telepono. Umaasang maabutan pa.

Napahawak na lamang ako sa bulsa na naglalaman ng aking cellphone. Naawa ako. Para akong naging estatwa, hindi nakagalaw sa takot. Ang larawan sa itaas ang huling alaala ng babaeng estudyante sa kanyang telepono bago ito nakawin ng kung sino.

MORAL LESSON: Huwag mag cellphone...ng mamahalin :P

9 KOMENTO:

Traveliztera said...

uhm. sino naman sa tamang pag-iisip ang maglalabas ng celphone sa public and to be specific SA JEEP PA na lageng tinututukan ng mga snatchers at holdapers!? i feel bad pero she should've anticipated that it will happen kung ganyan lang din sia magtext... =\ hay. nakakaawa pero, she took the risk e...

onga wag na magcelphone ng mamahalin! haha

karen anne said...

at nagawa mo siyang kuhanan ng picture. hehe. wawa naman. sana ay maging lesson sa kanya yan.

Traveliztera said...

at teka... buti hindi nahablot ung pinangkuha mo ng pic ahhaha! siguro napatago toh bigla nung nangyari un haha random

♥superjaid♥ said...

aww..kawawa naman siya pero dapat talaga naging maingat siya dapat talaga di siya naglalabas ng phone in public places dahil madaming snatcher na nakapaligid..

Jepoy said...

sana tinulungan mo! SUs! hindi ka gentle dog...

Anthony said...

@jepoy: nangatog nga mga knees ko sa akwal na senaryo... lol

@jaid: oo nga eh

@travelizta: bigla ko kamo tinago at sa labas naman nanggaling ang mga kamay ng snatcher

@ate karen: tama!

hArTLeSsChiq said...

tsk..ayan kasi ayan kasi...

Anthony said...

@hartlesschiq: oo nga po...

berdengkamalayan said...

payagan nyo sanang mag iwan ako ng komento: Maramimg salamat

Nung umuwi ako ng Pilipinas nitong nakaraang Hunyo namiss ko talagang sumakay ng jeep namiss ko rin ang mga nakapaldang nagtatrabaho sa SM Southmall hahaha. Nung minsan galing ako sa dati kong pinapasukang trabaho may sumakay na mejo may itsurang babae na nakaoniporming pang SM mga kartada 8 mga ganun ngunit ako ay naturn-off sa kanyang inasta dahil tinignan nya ako mula ulo hang ulo rin sabay hugot sa fliptop o kung ano mang tawag dun sa teleponong yun sabay bukas at type ng keypad sabay sarado ng malakas yung tunog sabay suksok ulit sabay hugot tapos bukas at type sa keypad. Pagkatapos tingin ng masama sakin at di ako nakatiis sa kayabangan at sinabihan ko siyang "Mam! ang sama nyo naman makatingin! Di naman porket ganito itsura interesado ako jan sa telepono mo di ako holdaper, o talagang nagyabang ka lang sa telepono mong bago at mamahalin, PERO SIGURADO AKONG MAS MAHAL PA JAN YUNG DREADLOCKS KO! SAKA PO YUNG TELEPONO KO DI UMAASA SA UNLIMITED!
Sabay baba ako ng jeep..Ang mga tao talagang nakatikim lang ng minsang luwag sa buhay o nakabili ng mamahaling gamit ang yayabang