• HOME
  • Sino si Anthony?
  • E-mail me!
    • VISITORS!

Thursday, September 23, 2010

Tanong ko, Sagot ko

1. Ano ang pinaka "crazy" na iyong ginawa para sa pag-ibig?

Uhm, pinaka crazy? Yung mainlab pa nga lang, as in, ay pinakawalang kwenta ko nang ginawa sa simula pa lang. Pero maikokonsidera kong pinaka wasak sa lahat ay nang ginaya ko ang isang eksena sa sikat na pelikula ni Bea at John Lloyd (One More Chance) na kung saan si Popoy ay nasa labas ng bahay ni Basha, malapit sa bintana at hinihiling na kahit 10 seconds lang (10 ba?) ay lingunin sya nito.

2. Pera o puso?

Naisip ko lang yung bolpen at lapis. Kung sigurado ka sa mga ginagawa mo at walang pag-aalinlangan, bolpen ang gamitin mo. Kung bukas ang iyong isipan sa pagbabago at pagtanggap ng pagkakamali, lapis ang gamitin (with pambura).

Pero sa pagitan ng puso o pera, medyo cheesy pero sa puso ako. Gusto kong piliin yung pera eh, lol, pero parang boring naman kung nuknukan na sa dami ang pera mo at walang nagmamahal sa'yo. Naniniwala pa rin naman ako sa ilang mga bagay na hindi mabibili ng pera, tulad ng kaligayahan.

3. Kung papipiliin, babaeng napakasexy na may malaking boobs pero panget ang mukha, o babaeng chubby pero cute?

Yung totoo? Dun ako sa chubby na may cute na mukha. Wala lang. Marami akong kaibigan na chubby at talagang napakasaya nilang kasama. May positibong pananaw sa buhay. Eh ano naman kung mataba? Ok nga eh kasi nalilibre ako lage ng pagkain, lol.

4. Matalino o komedyana?

Yung totoo ulit? Dun ako sa komedyana. Matalino na kasi ako, lol kaya hindi na kailangan pa ng isa. Matalinong kabisado ang mga formula sa Physics at mga elements sa periodic table? Nahh.. Magbabanggaan lang ang aming mga ideya na maaaring mauwi sa mga hindi pagkakaunawaan. Maige talaga sa akin ang mga taong may masayahin pananaw sa buhay. Na kahit marami ang problema ay nakukuha pa ring magbiro kahit korni. Mas humahanga ako sa mga taong ganun. Tsaka ang pagiging komedyante ay maituturing na rin naman na matalinong tao di ba?

5. Iibig muli o hindi na?

Pass. Next Question.

3 KOMENTO:

Jinjiruks said...

lakas ng tawa ko sa sinabi mong, matalino na kasi ako. this post really made my day

YanaH said...

Naisip ko lang yung bolpen at lapis. Kung sigurado ka sa mga ginagawa mo at walang pag-aalinlangan, bolpen ang gamitin mo. Kung bukas ang iyong isipan sa pagbabago at pagtanggap ng pagkakamali, lapis ang gamitin (with pambura).

natuwa naman ako dito.. this is so true. wag ka gumamit ng permanent marker kung undecided ka pa..

natuwa much ako sa post mo.. nakidaan lang.. :D

Anthony said...

@jin: di mo napansin yung mali?

@ate yanah: hay maraming salamat, at salamat sa pagdaan :) lage2 na sana ha :)