Usong uso ang mga fun run sa panahon ngayon. Bukod kasi sa nakabubuti ito sa ating kalusugan dala ng ang pagtakbo ay nakapagpapalakas ng ating puso, ay isa rin itong mabisang pagkukunan ng pondo ng isang grupo para sa kanilang mga gawain. Gaya na lamang ng Takbo Para sa Pasig, na inilunsad para sa ikalilinis at ikagaganda ng ating ilog Pasig. Napakabuti ng layuning ito na muling buhayin ang patay nang ilog. Sana nga lamang ay matupad at hindi masayang ang oras ng maraming lumahok sa fun run na iyon. Hanggad ng blog na ito ang ikatatagumpay ng paglilinis ng ilog Pasig.Naisip ko lang, kung maglunsad din kaya ako ng isang fun run, kung saan ang mga kalahok ay ang mga jobless nating kababayan. Tiyak kong jampack ang kalalabasan. Buong Pilipinas 'to ah! Dadagsa ang mga taong walang trabaho sa buong Pilipinas, imagine mo na lang kung ilang porsyento ng populasyon 'yun, lol. Syempre, libre ang registration, hindi na magbabayad, wala ngang trabaho eh. Tapos, ang magwawagi sa takbuhan eh magkakatrabaho! Lol, sa tulong ng DOLE. Sa finish line ay may naghihintay na job fair para sa lahat. Ang saya!
Pwede rin kayang fun run ng mga snatcher, holdaper, "agaw-bag gang", yung mga ganun. Paano kaya sila tumakbo? Kulasan sa bawat eskinita ang mangyayari, haha. Kanya-kanyang tago ang mga loko.
O kaya fun run ng mga may tungkod, naka-wheel chair, senior citizens...
<*walang maisip na ikwento*>
5 KOMENTO:
isa lang masasabi ko, ang adik ng mga naisip mo hahaha
@ate yanah: hahaha, naiimagine ko na ang mga lalahok na jobless nating kababayan
hihihi adiiik ka nanaman kuya anthony nakuuuu!
@jaid: ok naman yung idea ko diba? :D
fun run. haha :D
sabi ng pamangkin ko ang init daw.
takbo ng takbo.
kaya niloko namin
hot run at run run.
walang fun sa run ^.^
hahaha.
adiQ Ü
DOLE haha :D katapat ng office namin ang office DOLE-cavite. gusto mo i-suggest ko. loooool ^.^
Post a Comment