• HOME
  • Sino si Anthony?
  • E-mail me!
    • VISITORS!

Saturday, November 13, 2010

No Excuses

Ano bang pwede kong idahilan kaya ngayon lang ako nakapag-update ng blog kong ito?

  • Nagtungo ako nang ibang bansa, hindi ko alam kung paano bumalik.
  • Kinidnap po ako ng isang sindikato sa pag-aakalang mayaman akong nilalang.
  • Natulog ako, at ngayon lang ako nagising.
  • Kinain ako ng pating.
  • Naglakbay ako sa himpapawid.
  • Sinundo ako ni Peter Pan kasama si Wendy na ubod ng seksi at niyaya nila akong maglaro sa Neverland.
  • Umatend ako ng convention ng mga alien sa buwan.
  • Sinubukan kong tumawid sa manipis na harang sa pagitan ng mundo ng mga tao at mundo ng mga espiritu.
  • Nag-apply ako bilang astronaut at magsisimula na ang adventure ko sa isang parallel galaxy.
  • Nag bungee jumping kaso walang humila sakin pataas uli, kaya tyinaga kong iangat ang sarili ko. Ngayon lang ako natapos.
Nahh.. sino ba ang nagpauso ng salitang "busy". Napadaan lang ako kinukumusta ang inaagiw kong blog site. Sana bakasyon na ule.

3 KOMENTO:

rico de buco said...

naku tol sulat lng ng sulat tgal kong d nakapunta dito tol kakamiz hehehe

Ester Yaje said...

first time ko dito. ahaha. ok lang yan pare.

krn said...

oks lang yan... hawiin ang mga agiw. hahah :)

merry christmas and happy new year anthony! :)