Halos isang buwan at kalahati akong hindi nakadaan sa blog kong ito. Tampong tampo na si "free to play" at mukhang makikipag-break na sa akin...
Anthony: 1 year? 1 year tapos ganun na lang yun? itatapon mo na lang ba ang lahat ng pinagsamahan natin? Your asking for too much! Ang hinihiling mo mawala ka sa buhay ko...Ok, tama na ang drama. Ang post na ito para sa pagtatapos ng aking 2010! Naging mahirap man at masalimuot ang taon na ito sa akin ay hindi parin matatawaran ang mga magagandang pangyayari na ibinigay ng ating Maykapal sa inyo pong lingkod. Siguro bilangin at pagtuunan na lamang natin ng pansin ang mga mabubuting nangyari kesa malungkot sa ilang mga kamalasang sinapit.
Freetoplay: Wala na akong magagawa...kaylangan ko ito...
Anthony: Pero ikaw ang kaylangan ko..hindi mo na ba ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko ito?...
Freetoplay: He love me at my worst, you had me at my best at binalewala mo lang lahat yon...
Anthony: But I have to make a choice...
Freetoplay: ...but you chose to break my heart...
Magbilang tayo ng mga swerteng vibes...
Ang taon na ito ay napaswerte sa akin hindi lamang dahil sa Year of the Tiger ako eh sa taon ding ito, nakabalik muli ako sa pag-aaral. Matapos ang ilang pagiipon at mga dasal ay pinagkaloob sa akin ng Maykapal ang pagkakataon na tapusin na rin ang aking kolehiyo. Hindi ako natatakot makipagsapalaran muli sa mundo ng karunungan at alam kong ito rin ang kagustuhan ng Maykapal.
Ang taon ring ito ay nagbigay sa akin ng lubos ng kasiyahan sa mga taong aking nakasalamuha na lubhang nagdulot at nagparamdam sa akin na hindi na ako nag-iisa (insert dramatic sound) Noon sanay akong gumawa ng lahat ng bagay ng nag-iisa, sariling diskarte ika nga pero mas maige (at mas enjoy) ang may mga kapalitan ng tawa. Totoong saya. Maraming
Isa pa, ang taon din ito ay nagbukas sa akin sa maraming opurtunidad, iskolarsyip na siyang ginagamit ko ngayon upang makapag-aral.
Higit, masaya ako dahil sa taon na ito, nakilala at opisyal na akong tumiwalag sa Samahan ng mga Malalamig ang Pasko! lol Yes! at masaya akong nakahabol bago magtapos ang taon.
Ayokong idetalye pa ang mga bad vibes, baka sumama pa sa pagpapalit ng taon.
Excited at positibo ang aking pananaw sa 2011, lage naman.
Oh sya, dito na muna nagtatapos ang aking sentimyento at ako ay tutungo pa sa bayan kung saan mura ang paputok :) gusto kong makita ng personal yung binalita sa news kagabi na paputok, yung "Goodbye Earth" at Goodbye Universe!" lol
Signing off for this year.
5 KOMENTO:
Haha. One More Chance much? =p
nabuhay ka manong!
Aw may ganung mga linya talaga?! heheheh.. happy new year!
ayy nakuu kuya anthony hehehe adiik ka nanaman ehehe bagong taon na bagong taon one more chance mode ka pa dyan hehehe
@jaid: haha wala akong maisip na ipost
Post a Comment